Huwebes, Pebrero 21, 2013

WELCOME TO PANGASINAN

KASAYSAYAN NG PANGASINAN

                             Binubuo ng 5,368.82 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Pangasinan. Ito ay nasa gitnang kanluran ng pulo ng Luzon. Ito ay nasa hangganan ng Golpo Lingayen, La Union at Benguet sa hilaga, Nueva Viscaya hilagang-silangan, Nueva Ecija sa silangan, Tarlac timog,ZambalesDagat Tsina sa kanluran.

                     Ang isa sa mga lalawigang nabuo pagkaraang dumating sa Pilipinas ang mga Kastila. Lingayen ang kabisera ng lalawigan. Ito ay pormal na ipinahayag na isang lalawigan noong panunungkulan ni Goberbador-Heneral Ronquillo de Peñalosa noong 1850. Ang pangalang Pangasinan ay nangangahulugang "lupa ng asin" o "lugar ng paggawa ng asin
MAPA NG PANGASINAN
MGA KABUHAYAN SA PANGASINAN
Pangingisda
       Pangingisda- Ang pangingisda ay isang hanapbuhay sa pangasinan dahil malapit ito sa South China Sea o West Philippine Sea at ang karaniwang isda na nahuhuli nila ay bangus sa dagupan.


Pagsasaka
          Pagsasaka- ang pagsasaka ay isa ring hanapbuhay dahil sa kalawakan ng lupa sa Pangasinan na ang mga tinatanim nila ay mga palay, gulay at iba pa.

Paggawa ng Bagoong
    Paggawa ng Bagoong- Ang mga taga Pangasinan ay magaling gumawa ng bagoong kaya  ginagawa nilang hanap buhay ito at marami ring ibang bayan sa Pangasinan ay gumagawa ng bagoong pero ang pinakasikat gumawa ng bagoong ay ang Lingayen.







Paggawa ng Asin

                Paggawa ng asin- gumagawa ang mga taga pangasinan ng asin dahil sa mga bayan na malapit sa baybayin  at ito ay prinoproseso nila at binebenta nila para sa hanapbuhay.


Mga Laro Sa Pangasinan

Patintero
             Patintero- ang karaniwang nilalaro ng mga bata sa Pangasinan. Alam naman natin kung paano laruin ang patintero na kailangan harangin mo ang inyong kalaban at kailangan hindi siya makapunta sa dulo ng inyong base.

Tagu-Taguan
    Tagu-taguan- Ang tagu-taguan, alam naman natin ang tagutaguan na merong isang magbibilang ng isa hanggang sampu o minsan hanggang dalawampu. Hahanapin niya ang mga kalaro niya na nagtatago kung saan saan. Kung nahanap niya lahat ng kalaro niya ang unang mahanap siya ang susunod  na maghahanap.

Tumbang Preso
           TumbangPresoMerong lata sa gitna at binabato nila ito ng mga tsinelas nila at pag napatumba ng isang malalaro nito siya ang panalo sa laro
Sipa
           Sipa -ay isang uri ng laruang panlibangan, o laro na ginagamitan ng bolang ratan (tulad ng sa sepak takraw) o isang bilog at pinisang piraso ng bakal na may buntot na mga hibla ng plastik
Luksong Tinik
       Luksong Tinik- Ang Luksong Tinik, ay pinagpapatong ang mga kamay at merong tatalon dito kapag nakatalon siya dadagdagan ng isa pang kamay at pag sumabit susunod namang tatalon at uulit





SALAMAT PO SA PAGBIBISITA SA AMING BLOG :))

MARAMING SALAMAT PO!!

KUNG MERON MAN PO KAYONG KUMENTO SA AMING NAGAWANG BLOG ,MANAWAGAN LAMANG PO KAY SID YURI DAVID AT KAY DARYL JOHN OCLARES NA SIYANG LUMIKHA NG BLOG NA ITO. UPANG MAIPAHAYAG SAAMIN ANG INYONG SALOOBIN.

ITO PONG BLOG AY PROJECT NAMIN SA ASIGNATURANG FILIPINO NA MAY LAYONG PALAGANAPIN ANG TURISTA SA BUONG BANSA AT SA BAYANG AMING TINATALAKAY... SALAMAT PO :)) 






43 (na) mga komento:

  1. ANG BLOG PONG ITO AY PANGPROYEKTO. KUNG MAHIHIKAYAT KO PO KAYONG MAKAPAGBIGAY/MAGLAHAD NG SALOOBIN NYO DITO MAGCOMMENT LAMANG PO KATO AT MAGLIKE ANG BAWAT LIKE NYO PO AY KATUMBAS NG .3 NG AMING GRADE SANA PO MAKAPAGBIGAY KAYO NANG MAGANDANG KUMENTO :))

    TumugonBurahin
  2. ok, you may start promoting your blog. please add more details and videos regarding to your topics.

    TumugonBurahin
  3. Lubos na makakatulong ito sa pagpapalaganap ng turismo sa Pilipinas. at makakatulong ito sa mga taong gusto rin magsimula ng kanilang blog.

    TumugonBurahin
  4. Nakakaproud bilang Pilipino. Ang ganda!

    TumugonBurahin
  5. ito ay nagpapakita na tunay na maganda ang pilipinas

    TumugonBurahin
  6. Maganda :)) Marami kayong impormasyon na inilagay na talaga namang makakatulong sa pagpapaunlad ng turismo ng pangasinan.

    TumugonBurahin
  7. talagang maganda sa Pangasinan. ;)
    nice blog. :bd

    TumugonBurahin
  8. ang ganda naman. gusto kong magbakasyon sa Pangasinan. :)

    TumugonBurahin
  9. Nice :D Maayos ang inyong pagkakadetalye na talaga namang maganda dito sa Pilipinas at maaari itong makatulong para mapataas ang mga bumibisita dito sa Pilipinas lalong lalo na sa Pangasinan. xD

    TumugonBurahin
  10. Namimi-miss ko nga nga maglaro ng Luksong Tinik At Tumbang Preso eh :)
    Napakasaya nga siguro sa Pangasinan! :D

    TumugonBurahin
  11. maganda ang pagpapakita sa kagandahan ng pangasinan! :DD

    TumugonBurahin
  12. Napakaganda ng Pangasinan. Napakaganda sa ating mga mata ang kapaligiran sa lugar na ito. Salamat sa grupong ito at nahihikayat ako na pumunta dito sa lugar na ito.

    TumugonBurahin
  13. Miss ko na maglaro ng patintero at tagu-taguan! xD

    TumugonBurahin
  14. Sana makapunta ako sa Pangasinan, akala ko po dati boring sa Pangasinan, di pla :) thanks for the info guys :)

    TumugonBurahin
  15. Ang ganda. Sana makapunta ako dito =)))

    TumugonBurahin
  16. Pinakagusto kong laro yung tagu-taguan. Palagi ako yung huling nahahanap. By the way, nice blog. Marami akong nalaman. Makakatulong sa akin 'to.

    TumugonBurahin
  17. Nice blog. Mahilig akong maglaro nung patintero and ngayon ko lang nalaman na nilalaro rin pala ito sa Pangasinan. Very informative blog. :)

    TumugonBurahin
  18. Isa talaga ang Pangasinan sa masarap gumawa ng bangoong. Thx sa info.

    TumugonBurahin
  19. Ang ganda talaga diyan sa Pangasinan! :) Masarap maglaro lalo na kung kasama mo ang relatives o ang mga kaibigan mo. Naalala ko tuloy noon nung nagpunta kami diyan. :) Ang ganda ng blog niyo, informative :)

    TumugonBurahin
  20. Maganda ang blog niyo. Kahit noong ako'y bata pa ay mahilig rin ako mag laro ng mga larong kalye na inilagay niyo sa inyong blog.

    TumugonBurahin
  21. Maganda po yung paggawa nung blog... Nakakatuwa lng isipin at tradisyon din pala ito sa Pangasinan... Mga LArong Pinoy! Maraming salamat po sa info!

    TumugonBurahin
  22. Probinsya ko yan! :D Namiss ko na ang mga laro na nakalagay dito sa blog niyo. At marunong na rin akong gumawa ng bagoong :D

    TumugonBurahin
  23. Your blog is very informative and very nationalistic. Beacause it show the wonder and pride of the Filipino people. Thanks :)

    TumugonBurahin
  24. Oo nga, masarap yung bagoong nila dito. Yan palagi ang binibili namin pag bumibisita kami sa Pangasinan

    TumugonBurahin
  25. Maganda ang blog niyo maraming facts

    TumugonBurahin
  26. ang ganda naman akala ko ang paggawa ng asin ay tinatapat lang sa araw pero sa larawan ipinapakita na nilalagyan ito ng baga bilang pampainit

    pero sana naglagay kayo ng video kung saan pinapakita kung pano ang proseso ng paggawa ng asin.

    TumugonBurahin
  27. Maganda kung naglagay kayo ng videos. short yet informative parin :)

    TumugonBurahin
  28. okay naman yung blog. kaya lang sana maglagay pa kayo ng videos. yun lng naman. :))
    masarap talagang pumasyal sa pangasinan!! ^_^

    TumugonBurahin
  29. Ang ganda naman sa Pangasinan! Ang sasarap pa ng mga gawa nilang mga bagoong.

    TumugonBurahin
  30. Ngayon lang ako nakakita kung paano gumawa ng asin...

    TumugonBurahin
  31. Masaya sa Pangasinan, lalo na yung mga laro nila. Hahaha, na miss ko na maglaro ng luksong tinik :))

    TumugonBurahin
  32. Include the bangus industry, manaog and the hundred islands tourist spot where they are famous. ;)

    TumugonBurahin
  33. Naalala ko pa nung tumira kami ng saglit sa Pangasinan.
    Marami akong natuklasan habang nandoon ako.
    Nakatikim pa nga ako ng Bagoong nun eh,Napakasarap!
    Nakapagsaka na rin ako kahit sa kaunting panahon,Di ko nga lang natry mangisda. :p
    Nakakakita nga rin ako ng mga bata sa kalye na masayang naglalaro ng Patintero at Tumbang Preso!
    Haaay Pangasinan!
    :-) At tama ang ibang ga komento sa itaas. Sana ay may nailagay kayong video ng paggawa ng asin pero maganda pa rin ang blog niyo para sakin hehehe :-)

    TumugonBurahin
  34. Sa Pangasinan ako unang nakakita ng paggawa ng asin!

    TumugonBurahin
  35. Hindi na masyado naglalaro ng mga ganyan ngayon sa Metro Manila e.
    Mabuti sa Pangasinan napapanatili nila ang kasiyahan sa paglalaro ng ganyang mga bagay :)

    TumugonBurahin