SANA MA-ENJOY NYO PO ITONG AMING PROYEKTO :))
It's More Fun In Pangasinan
Huwebes, Pebrero 21, 2013
WELCOME TO PANGASINAN
KASAYSAYAN NG PANGASINAN
Binubuo ng 5,368.82 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Pangasinan. Ito ay nasa gitnang kanluran ng pulo ng Luzon. Ito ay nasa hangganan ng Golpo Lingayen, La Union at Benguet sa hilaga, Nueva Viscaya hilagang-silangan, Nueva Ecija sa silangan, Tarlac timog,ZambalesDagat Tsina sa kanluran.
Ang isa sa mga lalawigang nabuo pagkaraang dumating sa Pilipinas ang mga Kastila. Lingayen ang kabisera ng lalawigan. Ito ay pormal na ipinahayag na isang lalawigan noong panunungkulan ni Goberbador-Heneral Ronquillo de PeƱalosa noong 1850. Ang pangalang Pangasinan ay nangangahulugang "lupa ng asin" o "lugar ng paggawa ng asin"
MAPA NG PANGASINAN
MGA KABUHAYAN SA PANGASINAN
Pangingisda
Pangingisda- Ang pangingisda ay isang hanapbuhay sa pangasinan dahil malapit ito sa South
China Sea o West Philippine Sea at ang karaniwang isda na nahuhuli nila ay bangus sa dagupan.
Pagsasaka
Pagsasaka
Pagsasaka- ang pagsasaka ay isa ring hanapbuhay dahil sa kalawakan ng lupa sa Pangasinan na ang mga tinatanim nila ay mga palay, gulay at iba pa.
Paggawa ng Bagoong
Paggawa ng Bagoong- Ang mga taga Pangasinan ay magaling gumawa ng bagoong kaya ginagawa nilang hanap buhay ito at marami ring ibang bayan sa Pangasinan ay gumagawa ng bagoong pero ang pinakasikat gumawa ng bagoong ay ang Lingayen.
Paggawa ng Asin
Paggawa ng asin- gumagawa ang mga taga pangasinan ng asin dahil sa mga bayan na malapit sa baybayin at ito ay prinoproseso nila at binebenta nila para sa hanapbuhay.
Mga Laro Sa Pangasinan
Patintero
Patintero- ang karaniwang nilalaro ng mga bata sa Pangasinan. Alam naman natin kung paano laruin ang patintero na kailangan harangin mo ang inyong kalaban at kailangan hindi siya makapunta sa dulo ng inyong base.
Tagu-Taguan
Tagu-taguan- Ang tagu-taguan, alam naman natin ang tagutaguan na merong isang magbibilang ng isa hanggang sampu o minsan hanggang dalawampu. Hahanapin niya ang mga kalaro niya na nagtatago kung saan saan. Kung nahanap niya lahat ng kalaro niya ang unang mahanap siya ang susunod na maghahanap.
Tumbang Preso
TumbangPreso- Merong lata sa gitna at binabato nila ito ng mga tsinelas nila at pag napatumba ng isang malalaro nito siya ang panalo sa laro
Sipa
Sipa -ay isang uri ng laruang panlibangan, o laro na ginagamitan ng bolang ratan (tulad ng sa sepak takraw) o isang bilog at pinisang piraso ng bakal na
may buntot na mga hibla ng plastik
Luksong Tinik
Luksong Tinik- Ang Luksong Tinik, ay pinagpapatong ang mga kamay at merong tatalon dito kapag nakatalon siya dadagdagan ng isa pang kamay at pag sumabit susunod namang tatalon at uulit
SALAMAT PO SA PAGBIBISITA SA AMING BLOG :))
MARAMING SALAMAT PO!!
KUNG MERON MAN PO KAYONG KUMENTO SA AMING NAGAWANG BLOG ,MANAWAGAN LAMANG PO KAY SID YURI DAVID AT KAY DARYL JOHN OCLARES NA SIYANG LUMIKHA NG BLOG NA ITO. UPANG MAIPAHAYAG SAAMIN ANG INYONG SALOOBIN.
ITO PONG BLOG AY PROJECT NAMIN SA ASIGNATURANG FILIPINO NA MAY LAYONG PALAGANAPIN ANG TURISTA SA BUONG BANSA AT SA BAYANG AMING TINATALAKAY... SALAMAT PO :))
KUNG MERON MAN PO KAYONG KUMENTO SA AMING NAGAWANG BLOG ,MANAWAGAN LAMANG PO KAY SID YURI DAVID AT KAY DARYL JOHN OCLARES NA SIYANG LUMIKHA NG BLOG NA ITO. UPANG MAIPAHAYAG SAAMIN ANG INYONG SALOOBIN.
ITO PONG BLOG AY PROJECT NAMIN SA ASIGNATURANG FILIPINO NA MAY LAYONG PALAGANAPIN ANG TURISTA SA BUONG BANSA AT SA BAYANG AMING TINATALAKAY... SALAMAT PO :))
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)